Facebook

Ads Here

Monday, 7 June 2021

Perang Matagal Inipon ng Isang Kawawang Matanda Aksidenteng Nahulog Sa Kalan

Kamakailan matapos mag-viral sa social media ang isang kaawa-awang matanda na kung saan ay makikitang malungkot ito dahil sa nangyari sa inipon niyang pera. Labis ang lungkot ng 95-anyos na si lola Hinorata Gahis matapos aksidenteng mahulog ang kaniyang pitaka may lamang halos P14,000 sa ginagamit na kalan. Kuwento ng kaniyang apo na si Sarahlie de Guzman, katatapos lang magsaing ng bigas ng kaniyang lola at magpapainit na ng tubig nang aksidenteng mahulog ang pitaka nito sa kalan.
Matagal daw na inipon ni lola Hinorata ang pera mula sa pensiyon ng kaniyang namayapang asawa na isang sundalo.
Ayon kay Gomer Gomez, senior research specialist ng Bangko Sentral ng Pilipinas-Dagupan City Branch, maaaring mapalitan ang napinsalang pera kung may natitira pang 60 percent sa sukat nito, mayroon pang pirma, at security thread sa pera.
Payo niya, dalhin sa bangko o sa BSP ang pera ni lola Hinorata para malaman kung maaari pa itong palitan.

No comments:

Post a Comment